Abante Tonite Interactive

Paano maging fresh na bagong gising?

367

Hindi n’yo na po tatanungin isa po sa pinupuri ng mga kaibigan ko at ng mommy ko kahit no. 1 cri-tic ko s’ya ay ang p­agiging mukhang fresh kahit bagong gi-sing at kahit kulang ako sa tulog.

Siguro nakakatulong ‘yung ginagawa kong routine na may skin care routine ako kahit anong antok ko nagtitiyaga ako maglinis ng face ko, maglagay ng cream sa face, eye cream. Umiinom din ako ng water before ako matulog.

Pag natutulog naman ako ay nag-lalagay ako ng eye mask kasi may study na pag gumagamit tayo non mas makakatulog tayo mabuti kasi nag-eelevate ang level ng melatonin natin sa katawan.

‘Yung hormone na nagko-control sa ating tulog na nagre-regulate sa ating sleep-wake cycle natin. Mas masarap ang tulog ko talaga pag nagwear ako ng eye mask.

Tapos iba rin pag nag spray ka sa room mo ng lavender scent or yung mga uso ngayong oil para ma-relax ka. Wag din kakalimutan mag tooth brush. Ako un-easy ako pag ‘di nakakapag-toothbrush bago matulog.

Puwede ring uminom ng tea na chamomile para masarap din ang iyong tulog.
Kailangan nare-relax tayo bago humiga. Wag masyado mag-isip ng kung anu-ano. Kung puwede bukas mo na lang isipin ulit ang trabaho or kung ano man gumugulo sa utak mo.

‘Wag rin kalilimutan magdasal dapat ‘di lang physically, mentally and emotionally ang piniprepare natin bago mag-sleep. Dapat nagdadasal din para sa spiritual natin para maganda ang gising at umaga natin. Pagkagising naman natin magdasal ulit tapos i-stretch ang buong katawan.

Uminom ng isang baso ng tubig na ‘di malamig at pagharap mo sa salamin sabihin n’yo, “ang ganda ko! ang guwapo ko!” “Maganda ang araw ngayon.”
Dahil positive ang bungad mo sa paggising mo nag-a-attract ito ng positivity sa buhay natin.

‘Wag n’yo kakalimutang uminom ng vitamins na hiyang sa inyo dahil ito ay nakakatulong din sa atin.

At isa pa, paggising na paggising mo mag-smile ka.
Alam kong medyo off tignan pero malaking bagay yon, dahil thankful ka for another day.

Sana may natutunan kayo ulit sa aking nai-share ngayong Martes. Hanggang sa muli ulit.