Abante Tonite Interactive

Paano maging maganda pagkagising?

690

Woke up like this. Iyan ang kalimitan na­ting naririnig sa mga bagong gising at minsan na ring naging trending sa social media.

Bakit nga ba nakakairita ang ating itsura tuwing tayo ay gigising? May paraan naman para maging byuti ka pa rin kahit kababangon mo lang sa higaan at hindi ka pa nagsusuklay man lang. Narito ang ilang tips na maaari mong gawin para magising ka na mukha kang Dyosa!

1. Bago matulog ay suklayin ng isandaang beses ang buhok at kapag matutulog ka na ay huwag basta mahiga. Dapat mong iayos ang iyong buhok nang nakataas at palapat sa iyong unan. Para magpabiling biling ka man ay hindi gaanong magugulo ang iyong buhok.

2. Puwede kang maglagay ng dalawang pipino sa kabilaang mata. Nababawasan nito ang eyebags mo. Para tantalizing eyes ka paggising.

3. Kung nakagawian mo namang maghilamos sa gabi, maaari ka ring magpulbos bago tulu­yang matulog upang may konting freshness pa rin ang mukha mo sa pagmulat ng iyong mga mata.

4. Alisin ang mga negatibo sa iyong isipan para maiwasan mo ang masasamang pana­ginip. Kung maganda ang iyong mapapana­ginipan, siguradong magiging maganda rin ang iyong gising.

5. Huwag matutulog nang gutom. Kapag natulog ka nang gutom, siguradong magigi­sing ka sa pag-aalburoto ng iyong tiyan kaya pati mukha mo’y mukhang nag-alburoto rin.

6. Puwede ka ring gumamit ng lip balm dahil kailangan din ng lips mo ng hydration. Para pagkagising mo sa umaga ay kissable lips ka pa rin.