Abante Tonite Interactive

Paano maging slim sa loob ng 7 araw

982

Wala kang balak magpaka-slim at hindi mo rin bet ang mag-diet. Pero bigla ka na lang nagkaroon ng rason para gawin ito.

Halimbawa ay may nag-aya sa’yo ng date or naimbitahan ka sa isang pagtitipon na kakailanganin mong mag-dress. Ang ending ay maghahanap ka ng ways to get slim in 7 days. Huwag kang mag-alala dahil narito ang mga tips na kakailanganin mo.

1. UMINOM NG TUBIG SA UMAGA. Marami na ang nakapagpatunay nito. Ang pag-inom ng tubig sa umaga ay nakakatulong sa iyong metabolism. Nagagawa nitong alisin ang mga toxins sa iyong katawan na hindi naman kailangan. Ang pag-inom ng tubig ay nakakatulong din para mapigilan ang iyong gutom nang sa gayon ay hindi ka masyadong makakain ng mga pagkaing nagtataglay ng mga calories.

2. IWASANG KUMAIN NG MAAALAT. Kung mahilig ka sa maaalat, dapat mo itong iwasan. Dahil ang salt ay nagtataglay ng sodium at ang pagkain na may high sodium ay nagiging dahilan ng water retention sa ating katawan. Kung hindi mo naman mapigilan, dapat mo itong i-minimize at sundan ng tubig bawat pagkain nito. Hindi kasi natin maitatanggi na masarap kumain ng mga pagkaing maaalat gaya ng chips.

3. TUMAKBO. Ang pagtakbo sa umaga ay nakakatulong din na makapag-burn ng calories. Kung tatakbo ka kada umaga sa loob ng pitong araw ay siguradong may mapapansin kang pagbabago sa iyong katawan. Mas maraming calories ang mabu-burn mo kung matapos mong magpahinga ay tatakbo ka ulit ng more than two hours.

4. MAGLAKAD. Ano ang ginagawa mo pagkatapos mong kumain ng meals? Kung nanonood ka ng TV o kaya ay nahihiga, baguhin mo na ang style mo. Subukan mo namang maglakad upang bumaba ang iyong kinain. Sa loob lamang ng limang minuto mong paglalakad ay makakapag-burn ka na ng ca­lories. Malaking tulong din ito sa iyong blood ­sugar levels.