Abante Tonite Interactive

Paano magpatitulo ng lupa?

595

Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Magandang gabi po magtatanong lang po ako tungkol po sa nabili kong lupa at bahay na balak ko po itong patitulohan wala pa po itong titulo noon.

Ako pa lang po kung sakali ang magpapatitulo… nalakad ko na po sa BIR at may binayaran na rin po ako doon.

Ang tanong ko po ay ‘yun po kasi po ang sukat ng lupa na nabili ko ay 46 sqm po pero sa actual po ay nakasakop po ang lupa sa katabi na ang nagmamay-ari ay kapatid din naman na nagkaron na po ng bayaran para sa lupang nasakop pero ang nakalagay lang po sa tax declaration ay ‘yung 46 sqm lang po. Paano po kaya iyon ‘pag magpapatitulo na ako. Ano po posibleng maging problema ko.

Salamat po,
John Paul

Mr. John Paul,
Ang sabi mo ay nabayaran na rin ang nasakop sa katabing lupa na ang ibig sabihin ay nabili mo rin ang parte na iyon. Kung nabili o nabayaran na ng seller mo o nabayaran mo na sa may-ari ay dapat magpagawa ka rin ng isang Deed of Sale patungkol sa parte na nasakop ng seller mo.

Ang gagawin mo ay mag-“hire” ka ng surveyor upang masukat ang nasakop mo na sa katabing lupa at iyon ang ilalagay mong detalye sa pangalawang Deed of Sale at saka mo ia-attach o isasama sa Deed of Sale ang nasabing plan survey para bayaran mo ang tax para dito.

Pag nabayaran mo na ang tax at magpapagawa ka na ng bagong plan survey upang maging isang parsela ng lupa ang 2 sukat ng lupa na nabili mo.

At iyan na ang gagamitin mo at magpapagawa ka ng blue print kung saan ang technical description ayon sa plan survey ay aprobado ng Bureau of Land Management o LRA. Kapag mayroon ka ng approved plan survey ay maaari mo nang simulan ang pagsampa ng Petition sa korte upang magpatitulo ng lupa.
Tandaan na dapat mo rin bayaran ang amilyar ng lupa.
Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com