Abante Tonite Interactive

Paano magpatitulo ng lupa

By
2,910
Dear Attorney Claire,
May tax declarion  po ako na hawak at currently nagbabayad ng tax sa lupa n binili ko.Meron din po ako hawak na sukat ng lupa ko na nka blue print. BInigay ko po sa Geodetic Engineer para nga po aprubahan pero hanggang ngayon po wla pa result.
Nabili ko po Lupa nung August 2017 pero wla po titulo. Pinacheck ko din po sa assessor office kug walang ibang nagmamay ari, at wala na po. Gusto ko po magpatitulo, ano po ba ang dapat kong gawin?
Thank you po. Sana po matulungan nyo po ako.
Annie

 

Ms. Annie,
Tama ang plano mo na mapatituluhan na ang lupang matagal mo nang inaari at inookupa.
Una mong gawin ay ayusin ang Survey Plan na dapat masang ayunan ng LRA bago ka mag pagsampa sa korte ng Petition para magkaroon  ng Original Certificate of Ttle.
Ikaw ay masasabi kong qualified na makapagpa title kung ang nabillhan mo ay may 10 years na nag ookupa ng lupa (kung possesaor in good faith) o 30 years (kung in bad faith).  Kung ang seller mo ay matagal ng nagbabayad ng amilyar ay patunay ito na siya ang kinikilalang possessor at magagamit mo ito upang patunayan ang karapatan mo na makapagpatitulo.
Masasabi na possessor in good faith kung sa simulat simula ay siya na ang occupant  at walang ibang nag aangkin sa lupa. Ang pag okupa ay dapat na tuloy tuloy at lantad sa publiko kung saan ipinapaalam na siya lamang ang may karapatan sa lupa.
Kapag siya ay naikonsidera na possessor o occupant ng lupa  sa mga panahong nabanggit at mayroon ka ng approved na Survey Plan at ng ibang dokunentong nagpapatunay ng iyong interes at karapatan sa lupa ay maaari ka ng magaampa sa korte ng petisyon at  doon didinggin ang iyong petisyon.
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 762/922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com