Abante Tonite Interactive

Paano malalaman kung peke ang pera mo?

2,572
julius-segovia
Pasko na naman, sigu­radong nagkalat na ang mga pekeng pera sa merkado. Isama pa ang nalalapit na midterm elections sa Mayo, marami na namang maloloko. Bago pa tayo magoyo ng mga kawatan, muling nagpaalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa pagkilatis ng pera.
Karaniwang pinepeke ang 500 at 1,000 peso bills. Kaya dapat na maging mapanuri at wais tuwing tatanggap ng ba­yad o ‘di kaya’y kukuha ng sukli. Kailangan nating isa-isahin ang security features ng tunay na pera para hindi tayo maisahan.
1. EMBOSS­ED PRINTS – Sa­latin ang pera. Dahil embossed, magaspang ang pagkakasulat ng imprenta sa orihinal na pera. Ang pekeng pera, flat prints lang at hindi malinaw ang pagkakasulat.
2. SERIAL NUMBERS – Tingnang maigi ang serial numbers. Dapat mayroong one or two prefix letters at six or se­ven digits. Dapat nakalinya nang maayos, malinaw ang pagkakasulat at asymmetric or increasing size ang arrangement nito.
3. SECURITY FIBERS – Gumamit ng money detector device na may UV light para makatiyak. May blue at red ­fibers ang orihinal na pera.
4. WATERMARK – May shadow image sa bandang kanan ang totoong pera. Walang ganito ang peke.
5. SEE-THROUGH MARK – May salitang Filipino na nakasulat sa Baybayin alphabet. Makikita ito sa lahat ng peso bills.
6. CONCEALED VA­LUE – Kapag ni-rotate mo ang pera nang 45 degrees and tilted downwards, makikita mo ang concealed denominational va­lue nito. Ang peke, wala nito.
7. SECURITY THREAD – Dapat makita sa security thread, front and back ang BSP initial printed text. Dapat naka-print din ang BSP initials sa repeated series.
8. OPTICAL VARIABLE DEVICE – Kaila­ngang nagre-reflect at malinaw ang optical variable device patch na nasa Phi­lippine peso bill. Halimbawa, ang 500 peso bill ay kaila­ngang mag-reflect ang image ng small BSP logo at blue-naped parrot. Ang 1,000 Philippine peso bill nama’y kailangang mag-reflect ang image ng small BSP logo at south-sea pearl.
Dapat din nating tandaan ang color ng bawat peso denomination: 1,000-pesos – Blue; 500-pesos – Yellow; 200-pesos – Green; 100-pesos – Mauve; 50-pesos – Red; at 20-pesos – Orange.
Ang sa akin lang, ma­ging mapanuri tayo para hindi maloko. Sa mga nanggogoyo naman, babala ng BSP – may anim na buwan hanggang 12 taong pagkakakulong ang mapatutunayang lumabag dito.