Abante Tonite Interactive

Paano malaman kung genuine o peke ang titulo ng lupa?

650

Dear attorney Claire
Magandang araw po sa inyo. Nais ko lang po malaman kung saan po puwedeng tingnan kung genuine ang titulo ng lupa of peke.

Meron pong nagbebenta ng lote sa aking sa parte ng Laguna at naging interesado naman ako Kaya lang nanga­ngamba po ako baka mapunta sa wala ang pinagpaguran ko kung mabibiktima ako nang isang scam isa po akung OFW sa Qatar, maraming sa­lamat po.

Apollo

Abante Hiring – IT dep

Dear Apollo,
Tama ang ginagawa mong pagtatanong muna bago mo lang basta invest ang pe­rang pinagpaguran.

Unang-una ay alamin mo ‘yung taong nagbebenta sa iyo kung sila ba ang may-ari nito o kung sila. Ang taong may karapatang magbenta.

Magpakuha ka ng certified true copy ng titulo para malaman kung existing at valid pa ang titulo o kung may encumbrance na nakalagay sa titulo tulad ng real estate mortgage, adverse claim, atbp.

Mas mainam na pumunta ang representative mo at yung nagbebenta na dala-dala ang titulo sa Register of Deeds kung saan nakarehistro ang titulo at makipag-usap sa Officer of Day upang malaman mo kung yung hawag na titulo ay peke dahil mara­ming titulong peke.

Kapag naging maayos ang lahat ay puntahan naman ang Assessor’s Office upang alamin kung walang utang na amilyar o kung hindi pa nabenta o napasubasta ng local government sa pamamagitan ng Office of the Treasurer ang ari-arian dahil sa hindi pagbabayad ng amiltar. Magpakuha ka ng Tax Clearance.

Bago bayaran ng buo ang purchase price sa nagbebenta ay mas mainam na ibawas na ang capital gains tax mula aa nagbebenta para sigurado kang mababayaran ang tax para mailipat sa iyo ng tuliyan ang lahat ng interes sa ari arian.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamangbsa 410 7624 o 922 02 24 o mag email sa atorneyclaire@gmail.com