Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paano mapagaan ang kalooban sa lockdown

0 341

May ilang ipinapayo ang mga mananaliksik sa sikolohiya o psychology na mga pamamaraan kung paano mapagaan ang pakiramdam at hindi tamaan ng pagkabalisa sa panahon ng lockdown.

Habang nagsasama-sama ang maraming tao sa bahay habang lockdown, ay kailangang gumawa ng mga listahan sa loob ng isang araw na gawain upang mabawasan ang pagkabalisa.

Ang pananaliksik sa sikolohiya ng ‘goal-making’ ay nagpahayag na ang isang hindi natapos na layunin o plano ay nagdudulot ng paghadlang sa iba pang mga gawain na nais makamit. Ngunit ang simpleng paggawa ng isang plano upang mapadali ito, tulad ng pagdedetalye ng mga hakbang sa isang listahan ng dapat gawin, ay makakatulong sa iyong isip na itabi upang tumuon sa ibang mga bagay.

“Goals are interesting as they are almost these autonomous agents that kind of live inside you and occupy space in your mind,” ani E.J. Masicampo, isang associate professor ng psychology sa Wake Forest University in Winston-Salem, North Carolina.

“When a goal is unfinished it might be a weight on your mind in terms of anxiety or worry and it colors how you see the world, because it’s sort of tugging at the sleeve of your conscious attention,” sabi pa ni Masicampo.

Ang mga taong may hindi natapos na mga ‘short-term goals’ ay hindi magandang gawi, ayon sa isang pag-aaral noong 2011 sa Journal of Personality and Social Psychology ni Masicampo.

Ngunit nang payagan ang mga kalahok sa pag-aaral noong 2011 na magbalangkas ng mga plano para sa kanilang mga layunin bago lumipat sa susunod na gawain, ang mga negatibong epekto ay tinanggal.

“We were able to find that you don’t have to finish the goal to offload it — you really could just make a specific plan for how to attain it to get it to stop occupying that mental space,” paliwanag pa ni Masicampo.

Ngunit binalaan ni Masicampo na hindi ito makakatulong na i-offload ang pasanin sa isip sa pamamagitan ng paglilista “nang walang aktwal na paggawa ng isang plano.”

Sa kawalan ng katiyakan ng krisis sa coronavirus at ang kahirapan sa paggawa ng mga kongkretong plano, sinabi niya na makatuwiran na ang iyong paunang plano ay simpleng gumawa ng isang plano sa ibang araw. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.