Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paano na ang fashion industry sa new normal

0 428

Dahil sa kasalukuyang pangyayari dulot ng pandemic maraming mga social events ang maapektuhan isa na dito ang mga fashion show.

Katatapos ko lang sumali sa Philippine Fashion Week last October 2019 at dapat ay meron na naman nitong May 2020.Ganoon din ang FOF Gala Fashion Show 2020 ay na cancel din. Dahil sa pangyayari tiyak walang magaganap na fashion event ngayon taon.

Nakakalungkot man pero hindi pa rin nawawalan ng pag- asa ang lahat ng nasa fashion industry kaya naman nag-iisip pa rin ang mga taga industriya na ma showcase ang collections ng mga fashion designers. Nakaraan lang napalabas ang kauna-unahang virtual fashion show ni Rajo Laurel at Puey Quinones.

Nakatakda namang magkaroon naman ng first ‘International Virtual Fashion Week’ na pamumunuan ng BMB Productions. Ilan Local at International brand / designers ang mga kalahok dito at mapalad ang inyong lingkod na makasama dito.

Kaya abangan nyo ang kauna-unahang virtual fashion week sa mga social media.

Mag-ingat tayo para masiguro ang kaligtasan nating lahat sa panahon ng pandemya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.