Abante Tonite Interactive

Paano po ang hatian sa minana ng ina?

0 347

LET’S CLEAR IT
Atty. Claire Castro

Dear Atty. Claire,
Meron lang po ako katanungan tungkol sa minanang lupa. May konting lupa po kami na minana ng nanay po namin sa magulang niya nasa 4,116 sq m po na ang location ay halos nasa paanan ng bundok.

Patay na po ang nanay namin pero ang tatay po namin ay buhay pa at 5 pa po kami magkakapatid.

Ngayon po may gustong bumili ng lupa namin na wala po sa pangalan ng nanay namin. At napagdesisyonan na ibenta na ang lupa kasi po baka walang bumili dahil sa location nya at ‘yung case nung titulo na nasa mother title pa.

‘Pag po ba nabenta ‘yung lupa namin pano po ang pwedeng hatian ng napagbentahan?

Salamat po,
Sharon

Ms. Sharon,
Kailan ba nagpakasal ang nanay at tatay mo? Kaya ko ito itinatanong upang malaman natin kung anong batas ang may sakop sa kasal nila. Kung ikinasal sila noong August 3, 1988 o pataas ay Family Code of the Philippines ang susundin na batas ngunit kung bago mag-August 3 ay Civil Code naman.

Kung sakop ang kasal ng Civil Code ay mananatiling sa nanay mo lamang ang pro-perty na minana niya bago o matapos siya ikasal. Ngunit kung Family Code naman at wala silang pre-nuptial agreement, ang minana ng isa bago ikasal ay magiging parte ng absolute community of property nila na ang ibig sabihin ay pag-aari nila na ang minana ng nanay mo bago ikasal pero ang minana naman matapos ang kasal ay mananatiling ekslusibong pag-aari ng nanay mo.

Kung eksklusibo na sa nanay mo lamang ay maghahati-hati kayo ng pantay pantay. Ngunit kung absolute community of property nila iyan ay may 50% na ang tatay mo bilang kanyang parte at ang 50% ng nanay ninyo ay paghahatian ninyong mag-aama ng pantay-pantay. Kung hindi kasal ang nanay at tatay mo ay hindi tatanggap ang tatay mo dahil hindi siya tagapagmana ng nanay ninyo.

***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624/922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.