Abante Tonite Interactive

Paaralan ‘wag gawin evacuation center — ACT

164

Muling binuhay ng Alliance of ­Concerned Teachers (ACT) ang panawagan na ­ipasa ang isang batas na ­nagbabawal sa paggamit ng mga paaralan bilang evacuation center.

Ayon kay ACT ­party-list Rep. France Castro, dapat na magkaroon ng hiwalay na common evacuation center ang kada 2 o 3 barangay para hindi naookupa ng mga evacuee ang mga eskuwelahan tuwing may kalamidad.

Nabatid na may 91 paaralan sa Calabarzon region ang ginagamit ng mga evacuee kaya hindi magamit ang mga silid-aralan para sa klase.

Ayon kay Castro, dapat na ang ­evacuation center ay mayroon umanong maayos na banyo, kusina at kumportableng tulugan.

Nabatid na noong 2013 matapos na manalasa ang bagyong Yolanda, paulit-ulit ang paghahain ng mga ­grupo sa ilalim ng ­Makabayan bloc ng ­panukala para itigil ang paggamit sa mga paaralan bilang evacuation site
Nalaman na libu-libong mga ­residente mula sa mga bayang naninirahan malapit sa Taal ang lumikas mula noong nakaraang ­linggo matapos na sumabog ang bulkang Taal.

Magugunita na ­sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na dapat nang ilipat sa ibang ­evacuation site ang mga ­lumikas mula sa Taal para makapagsimula na ulit ang mga klase ng mga mag-aaral. (Juliet de Loza-Cudia)