Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paat ‘di pahuhuli

0 73

Iiwas si Mylene Paat at Choco Mucho sa pang-apat na deretsong semplang upang hindi mahuli sa puwestuhan sa 21st AVC Asian Women’s Club Championship 2021 sa pagsalpok sa kapwa Philippine club team Rebisco.

Sa penultimate playdate ito ng seven-team, four-nation weeklong event saTerminal 21 ng Nakhon Ratchasima sa Thailand ngayong Miyerkoles ng ala-1:30 nang hapon.

Ang mananalo ang makakatapat ng Zhetysu Kazakhstan para sa fifth-sixth place battle sa Huwebes ng ala-1:30 nang hapon. At ang luhaan ang babagsak sa pampito’t kulelat sa torneo. Bokya pa rin sa apat na laro ang Rebisco.

“We really tried to push ourselves to win this match and avoid facing Rebisco (0-4), but then we really fell short,” ani opposite hitter Paat na umiskor ng 14 points laban sa host Supreme Chonburi sa knockout quarterfinals nitong Lunes. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.