Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paat hahampas sa Thailand

0 97

Nadagdag si Mylene Paat sa mga homegrown volleyball player na sasabak na rin sa labas ng bansa.

Palipad sa Bangkok Sabado ng hapon ang 27-year-old-, 5-foot-11, Pangasinan native at Chery Tiggo opposite hitter upang maging import ng Nakhon Ratchasima team sa Thailand League na magbubukas sa pangalawang lingo ng Disyembre.

Si Paat ang pangalawang Pinay na aaksiyon sa Thai league pagkaraan ni Alyssa Valdez noong 2016.

“Isa itong malaking hamon para sa akin. Noong mabasa ko ang invitation, natuwa ako kasi simula nang mag-volleyball ako, gusto ko talagang maipakita ang husay ko,” bulalas ng dalagang balibolista.

Naglalaro sa ngayon ang tropa ni Paat sa Crossovers na si Alyja Daphne ‘Jaja’ Santiago sa Saitama Ageo Medics sa 28th Division 1 Women’s V.League 2021-22 ng Japan. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.