Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paat kinapos vs Chonburi

0 150

Sablay si Mylene Paat at Nakhon Ratchasima QMinC VC sa pangatlong ragasa nang masingitan ng Supreme Chonburi- E.Tech, 25-19, 27-29, 14-25, 23-25 sa 17th Women’s Thailand Volleyball League 2021-22 first leg game sa Nimibutr Stadium sa Bangkok Miyerkoles.

Hindi nasustena ng Pinay reinforcement at kampo ang mga paghakbang kontra Black Power VC, 25-5, 25-17, 25-11, noong Linggo at sa 3BB Nakornnot, 26-24, 25-21, 20-25, 25-18, noong Disyembre 29.

SM food to go Banner Ad

Laglag ang Nakhon sa 2-3 win-loss card samantalang malinis pa rin ang league leader na may 5-0 na sa eight-team women’s indoor volleyfest.

Sunod sa daan ng Nakhon Ratchasima ang Kasetsart VC sa Linggo, Enero 16 sa nasabi ring playing venue simula sa alas-245 ng hapon (alas-3:45 ng haon sa Maynila). (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.