Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Paat tiniyaga buhanginan

0 223

Tiis-tiis muna ngayon ang peg ni Philippine SuperLiga (PSL) ace spiker Mylene Paat habang wala pang praktis at palapit pa lang na mga laro.

Makikita sa Instagram post Martes ng Chery Tiggo Crossover opposite hitter, tiniis niya ang wala sa pormang tabing dagat upang mag-ensayo ng beach volleyball na naka-swimwear.

SM food to go Banner Ad

Sey ng 25 taong-gulang, 5-10 ang taas na bateranang balibolista sa larawang kuha sa Bani, Pangasinan na sinilangan niya, “Picture lang muna ngayon.”

Inaasahan namang aaksyon siya balik ng liga tapos matengga sapul noong Marso 2020 dahil sa pandemya, sa PSL Beach Volleyball Challenge sa Subic sa February 25-27. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.