Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PABA abala ngayong taon

0 38

Abangers na lang pala ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) sa go signal ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa Laguna training camp bubble sa Calamba o Los Baños dahil sa dami ng international competitions sa taong ito.

Sinalaysay ang bagay nina PABA vice president Boy Tingzon at secretary general Pepe Muñoz nang maging mga bisita nitong Martes sa Online Philippine Sportswriters Association (PSA), mga hatid ng San Miguel Corp., Go For Gold, MILO, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Nangunguna sa listahan ng national governing baseball body ang Women’s Under-23 Baseball World Cup sa Tijuana, Mexico sa March 1-9, at ang mga naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 na Asian Men’s/Men’s Youth Baseball Championships mula sa Under-18, 15,at 12 na dapat sa nakaraang taon pa sana ginawa.

Related Posts

Ayon pa sa dalawang opisyal sa talakayang pinalakas ng Smart kasama ang Upstream bilang webcast partner, wala lang maging problema, puwedeng maging contender ang Pinay batters at makaangat sa kasaluyang world ranking No. 15.

Ilan sa mga manlalaro rin ng koponan na buhat sa softball at lumipat sa baseball, handa na ring sumailalim sa bubble training bago umalis ng bansa at harapin ang mga tigasin sa mundong Japan, Chinese-Taipei, Canada, Mexico, United States, France, Australia, Dominican Republic at Netherlands.

Absent sa torneo ang world No. 7 South Korea at no. 10 Hongkong, panapos nilang pahayag.

Good luck sa PH 11. Bring home the bacon of any color!

Leave A Reply

Your email address will not be published.