Abante Tonite Interactive

Pababa sa bundok, maputik na daan

244

Ano po kaya ang ibig sabihin ng pa­naginip ko na ako ay pababa ng bundok (mataas na lugar). May pupuntahan daw ako pero wala ng ibang daan kundi doon lamang sa delikadong parte ng bundok pababa. Ako din po ay madalas makapanaginip na naglalakad sa may putikan o ‘di kaya ay sa ma­labong tubig.

Ang panaginip tungkol sa isang bundok ay sumisimbolo ng mga hamon sa buhay. Itinuturing din itong obstacle o hadlang na dapat mong pagdaanan.

Sa iyong pana­ginip, nasa itaas ka ng bundok at sabi mo ay walang ibang daan kundi pababa sa delikadong bahagi ng bundok.

Balikan sa isip kung ano ang iyong naramdaman sa iyong pana­ginip — natakot ka ba o naging kumpiyan­sa na makakayanan mong daanan ang delikadong bahagi ng bundok? Kung natakot ka, ito ay maaari mong ikonek sa isang pinagdaraanan mong sitwasyon kung saan nangangamba ka sa mga pagdaraanan mong pagsubok. Maaring papasok ka sa isang malaking pagbabago — bagong trabaho o bagong rela­syon kaya? Kung katatapos mo lamang ng highschool at papasok sa college kung saan malalayo ka na sa mga dating kaibigan at maaaring isang bagong school ang papasukan mo. Sa ganitong sitwasyon, alam mong wala kang choice kundi tangga­pin ang pagbabago sa iyong buhay. Dumaan muli sa pag-uumpisa bago muling tahakin ang daan paitaas.

Maaring ang papasukin mo o pinagdaraanan mong sitwasyon ay itinutu­ring mong mapanghamon pero alam mong para sa iba ay hindi naman magiging mahirap ito. Tulad ng gagawin mong pagbaba sa bundok na kung iisipin ay pababa na nga at para sa iba ay laging mas mahirap ang pataas pero para sa iyo ay hindi ganun kasimple dahil nakikita mong mahirap nga ang daan.

Puwede rin ikonek ang ganitong pana­ginip kung ikaw ay nagretiro na sa trabaho. Tapos na ang pakikipagkarera mo sa mapanghamong buhay-empleyado. Pero sa kabila nito’y hindi ka nasanay sa yugtong ito kaya alam mong mahihirapan kang tanggapin ang napakalaking pagbabago.

Ang madalas mo namang panaginip na may kinalaman sa paglalakad sa maputik o malabong tubig ay nagpapakita ng iyong emo­syon. Malinaw na may pinagdaraanan kang sitwasyon at anuman ito, pinalalaki na ito ng isip mo. May kalituhan kang nararamdaman.

Sa kabuuan, ang iyong pana­ginip ay konektado sa iyong emo­syon at sa pagbabagong pinagdaraanan mo. Ikalma muna ang sarili. Maghanap ng taong mapagsasabihan ng mga pangamba mo. At alalaha­ning, anumang hamon sa buhay ay hindi ibibigay sa iyo kung hindi mo kaya. One baby step at a time at paunti-unti, malalagpasan mo ang lahat ng pagsubok!

DISCLAI­MER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating pana­ginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang pana­ginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.