Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pabahay tinapyasan ng P73B

0 116

Kinuwestiyon ng isang mambabatas ang napakalaking tapyas na ginawa ng Department of Budget and Management (DBM) sa orihinal na panukalang P77 bilyong budget ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) para sa susunod na taon dahil halos bokyain na umano ang katatatag pa lamang na kagawaran.

Mahigit isang taon pa lamang ang DHSUD dahil Pebrero 14, 2019 nang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na siyang nagtatag sa housing department.

Sa budget hearing ng Kamara, isiniwalat ni Housing Secretary Eduardo del Rosario na P3.68 bilyon lamang ang inaprubahan ng DBM o 5.17% lang mula sa orihinal nilang panukalang budget na P77 bilyon para sa 2021.

Sabi ni Del Rosario maaapektuhan ng malaking tapyas sa kanilang pondo ang mga programa ng DHSUD partikular ang pagtugon nito sa COVID-19 pandemic.

Nagsalita si Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez at iginiit na dapat lamang dagdagan ang budget ng DHSUD dahil kinakailangan ito para maresolba ang malaking problema sa housing sector.

“Let us correct this. We can never solve housing and give human dignity to our people if this is the kind of budget that we give,” Rodriguez said.

Dismayado si Rodriguez dahil halos bokyain na umano ng DBM ang housing department.

“What a disgusting response of [the] national government to the needs of our housing sector through the Department of Housing,” sabi ng kongresista.

Giit pa nito na paanong mareresolba ang problema sa pabahay ng gbyerno at mabibigyan ng dignidad ang mamamayan na walang sariling tahanan kung ganito ang pondong binibigay sa DHSUD.

“It’s the only agency that I have seen where the amount slashed was practically making it negative. In other words, almost zero,” sabi pa ni Rodriguez.

Leave A Reply

Your email address will not be published.