Abante Tonite Interactive

Pabebe ni Slaughter kinagat ng Ginebra

1,169

Naghihintay na lamang sa ­pirma o posibleng rebisyon base sa ­hihingiin nitong sahod si Greg Slaughter.

Ito ay matapos panatilihin ng ­Barangay Ginebra ang serbisyo o playing rights sa 7-foot center na si Slaughter sa pagsusumite ng iniaalok na kontrata ng pamunuan ng Gin Kings.

Napag-alaman na ipinadala ng Ginebra management Huwebes ng gabi ang kopya ng offer sheet para sa kanilang Fil-Am na sentro na nagpasiya na magpahinga muna sa paglalaro matapos na mapaso ang kontrata sa Gin Kings.

Ang offer sheet ang naggagarantiya sa 31-anyos na si Slaughter na mananatili ito sa koponan na pumili dito bilang No. 1 overall pick noong 2013 PBA Rookie draft.

Matatandaang umuwi si ­Slaughter sa US matapos na ­tuluynag mag-expire ang dating tatlong taong kontrata.

Una nang naghintay si Slaughter para sa panibago nitong kontrata kung saan inihayag nito na wala pa itong natatanggap na panibagong offer sheet mula sa Ginebra matapos na makumpelto ang kanyang dating tatlong taon na kasunduan huling araw ng Enero.

Base sa PBA rules, si Slaughter ay awtomatikong magiging unrestricted free agent matapos ang isang buwan kung hindi ito bibigyan ng panibagong kontrata ng Kings.

Una nang sinabi ni San Miguel Corp. (SMC) sports director Alfrancis Chua na nakahanda naman makipag-usap ang pamunuan ng Ginebra at mayroon na naghihintay na offer sheet sa opisina ng koponan para kay Slaughter.

Gayunman, hindi ginawa ni Slaughter na makipag-usap at magtanong man lamang pati na ang representante nito sa pamunuan hinggil sa isyu. (Lito Oredo)

Tonite – Wendys Inhouse Ad