Abante Tonite Interactive

Pablo angas ng bagong saltang Motolite

384

Isa rin sa bagong tropa na dapat abangan sa pagbubukas ng Premier Volleyball League (PVL) Season 3 Reinforced Conference ang bagong salta at batang Motolite Power Builders.

Isa ito sa dalawang bagong tropa na sasabak sa six-team tournament na binabalangkas ng Sports Vision Management Group, Inc. nina Richard Palou at Mauricio­ Martelino .

Babandera para sa tropa si two-time conference Most Valuable Player at former National University stalwart Myla Pablo na tumawid-bakod sa team buhat sa Pocari Sweat Air Force, at Fhen Emnas, na tumalon mula BanKo Perlas.

Makakatuwang din ng dalawa sa kampanyang ito ang ilang University of the Philippines Fighting Lady Maroons players na sina Tots Carlos, Isa Molde, Aie Gannaban, Marist Layug at Ayel Estranero.

Tutulong din ang mga Adamson Unifersity Lady Falcons players na sina Eli Soyud, Thang Ponce, Bern Flora at Jellie Tempiatura.

Aalalay sa kanila ang reinforcements na sina Bosnian Edina Selimovic at Cuban Gyselle Silva.

Makakaya kaya ng Motolite na paamuin ang mga kalaban? Makakasa ba sila hanggang dulo? O masungkit kaya nito ang unang titulo nito sa liga? ‘Yan ang ilang dapat abangan. (Fergus Josue, Jr.)