Abante Tonite Interactive

Pablo kuwestiyonable pa kontra Creamline

372

‘Di pa tiyak kung makakapaglaro na si volleytball superstar Myla Pablo para sa Motolite laban sa Creamline mamtayang alas-4 Sabado ng hapon sa Premier Volleyball League Season 3 Reinforced Conference 2019 eliminations sa FilOil Flying V Centre, San Juan.

Nakasalalay pa kay coach Air Padda kung isasalang na nito ang kanyang team captain.

“Pero depende pa kay coach kasi maganda naman nilalaro ni Isa (Molde)”, saad ni Pablo na may iniindang lower back injury.

At kahit pa may bagong import ang Motolite sa katauhan ni Krystel Esdelle mula Trinidad and Tobago, ‘di pa rin pinalad makaisang panalo sa tatlong salang ang Power­ Builders nitong Miyerkoles kontra BanKo, 24-26, 30-32, 24-26.

Hataw para sa PB sina Molde na may 16 points, imports Esdelle na naka-12 markers at Channon Thompson na mayroong 10 pts.

“Because we don’t want her to go back to her same recurring injury, we want her to heal,” paliwanag ni Motolite assistant coach Godfrey Okumu.
“Because she has a very bright future with the team, we really need her.”
Galing naman sa panalo ang Cool Smashers sa huling laban nitong Linggo,Hunyo 2 kontra Perlas Spikers, 23-25 25-12, 25-17, 25-23.

Magkatuwang sa opensa ng Creamline sina Thai import Kuttika Kaewpin na may 27 pts. at team captain Alyssa Valdez na naka-19.

Makakasama na rin ng Cool Smashers para sa laban ang nagbabalik na si coach Tai Bundit. (Janiel Abby Toralba)