Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pablo pinasilip ang kurbada

0 61

Kung paseksihan ang laban, kayang makipagtapatan ni Premier Volleyball League star Myla Pablo ng Petro Gazz.

Sa Instagram post Martes ng Angel outside hitter, umaawra siyang naka-pose sa isang cottage kung saan lumutang ang beauty sa suot na bathing suit.

Mala-baywatch ang kanyang porma dahil sa pulang swimsuit na markado rin ng `bae watch.’

Matapos ang halos 1-buwang pagkakakulong sa 2021 PVL Open Conference bubble sa Bacarra, Ilocos Norte noong July 17-August 13, hapi-hapi muna ngayon ang 28-anyos at may taas na 5-10 na dalagang balibolista.

Hanep ang laro ni Pablo dahil nag-bronze medal ang team niya at nakasungkit pa ng best outside spiker. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.