Abante Tonite Interactive

Pablo, Pocari mabangis kahit sibak na

516

Kahit sibak na sa Final Four ay ipinakita pa rin ng Pocari Sweat-Air Force ang kanilang tikas matapos pagpagin ang Adamson-Akari, 25-18, 25-20, 25-23, kahapon sa 2018 Premier Volleyball League Season 2 Open Conference sa Bata­ngas City Coliseum.

Tumipa si volleyball star Myla Pablo ng 16 points para sa Lady Warriors na tinapos ang kanilang kampanya sa 7-7 karta, unang beses na hindi nakasama sa semifinals ang Pocari Sweat matapos ang apat na conferences.

Posible sanang makahirit ng laro ang Lady Warriors sa susunod na phase subalit nagwagi ang PetroGazz sa kanilang huling laban kaya naka-walong panalo sila.

“Sa game pa lang ng PetroGazz at Ateneo tinanggap na lang talaga namin na hindi na kami aabot sa semis. Kaya sabi namin enjoy na lang namin ang natitirang game para maganda ang standing namin,” saad ni Pablo.

Tumikada si May Ann Pantino ng 10 markers habang nilista nina Jozza Cabalsa, Jeanette Panaga at Del Palomata ang tig-anim na puntos para sa Lady Warriors