Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pablo sobra na ang ‘kati’

0 519

Hindi na itinanggi ni Premier Volleyball League star Myla Pablo ang sobrang pagka-miss na niya sa sport, ibahagi sa social media ang pagkakati na niyang muling pumalo.

Makikita kasi sa latest Instagram post ng edad 27, at 5-10 ang taas na outside hitter ang throwback Wednesday kung saan pinasilip niya ang dating litrato habang naglalaro sa Motolite.

“Kelan kaya ulit?” tanong ng dalagang tubong Tarlac, kalakip ang larawan niyang mala-coke ang kurbada.

SM food to go Banner Ad

Tengga muna sa bahay ang former national player dahil sa June o July pa ang siklab ng PVL Open Conference.

Kasama si Pablo sa na-cut na manlalaro ng Power Builders kaya sa PetroGazz na siya papalo. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.