Abante Tonite Interactive

Pabonggahan sa SONA

3,167

tonite-pak-allan-dionesPanalo ang mga tweet ni Agot Isidro kahapon habang nagaganap ang ikatlong State of the Nation Address ni Pangu­long Rodrigo Duterte.

Buong ningning na tweet ng Kapamilya actress na eversince ay very vocal sa kanyang mga opinyon sa kasalukuyang administrasyon, “Kasama ako sa mga naniniwalang ang maririnig natin mamaya ay S-ame O-ld N-onsense A-nyway. Agree?”

In fairness ay witty ang naisip na meaning ni Agot para sa salitang SONA.

Bonggah ang iba pang mga tweet sa thread na ‘yon, na may kanya-kanyang pakahulugan ang mga netizen sa SONA.

“Trolls are triggered. Try harder, sweeties,” ang isa pang tweet ng aktres.

Umeksena rin kahapon ang dating Presidente at ngayon ay Pampanga Congresswoman na si Gloria­ Macapagal-Arroyo, na hinirang na bagong House Speaker kapalit ni Panta­leon Alvarez.

Hirit dito ni Agot, “Aaand she’s back. With a vengeance. Just like that, folks. Aminin n’yo, marupok tayo.”

As expected ay pabonggahan sa SONA. Gandara si Heart Evangelista-Escudero kahapon, na white modern Filipiniana dress ang suot nu’ng morning opening session ng 17th Congress.

Kulay puti pa rin na Filipiniana pantsuit ang outfit ng misis ni Senator Chiz Escudero nu’ng hapon. Ang close friend ni Heart na si Mark Bumgarner ang gumawa ng dalawang outfits.

Ikinatuwa ng LGBTQIA community ang suot na Pride flag pin ni Heart, na sumusuporta sa SOGIE Bill.

Si Jinkee Pacquiao ay elegante rin ang dalawang outfit na parehong gawa ni Michael Leyva.

As usual ay kabogera sa red carpet si Leyte Representative Lucy Torres-Gomez na winner ang colorful gown na gawa ni Randy Ortiz.

Sina Governor Imee Marcos ay nakapulang damit na terno sa red carpet. Hindi naman nagpatalbog si Senator Nancy Binay na nakasuot ng blue na damit na terno sa blue carpet. Labanan ng carpet? Ha!ha!ha!

 

Rayver kay Janine: ‘Buo na ang araw ko’

Present si Janine Gutierrez sa pa-birthday dinner ni Rayver Cruz nu’ng Sunday.
Nag-29 si Rayver nu’ng July 20 at nu’ng Linggo lang siya nag-celebrate doon sa resto ni Matteo Guidicelli na Da Gianni Manila sa Alabang.
Family ni Rayver ang kasama niya at saka si Janine, na parang parte na ng kanyang pamilya. Kahit wala pang opisyal na pag-amin ang JanVer ay obvious namang sila na.
Parehong walang post sa social media ang dalawa, na in fairness ay consistent sa pagiging private sa kanilang sweet moments together.
Ang kuya ni Ray na si Rodjun ang nag-post ng pics nila from the intimate dinner at kita mong very happy ang birthday boy sa presence­ ­­ng kanyang love.
“Happy birthday, Kidlat,” ang tanging caption ni Janine sa pinost niyang pic nila ni Ray nu’ng birthday nito.
Sagot ng binata, “Buo na ang araw ko, hehe! Thank you.”
Kidlat ang panga­lan ng karakter ni Rayver sa Kapa­milya fantaseryeng ‘Bagani’. At tila mala-kidlat din ang pagkabihag niya sa puso ng Kapuso actress.
Mabuti na lang at may lovelife si Janine ngayong napili siyang maging kapareha ni Alden Richards sa bagong GMA primetime series na ‘Victor Magtanggol’ dahil kung hindi ay mas lalo siyang babakbakan ng mga malisyosong fan na ang iniisip kaagad ay posible silang magkainlaban ni Alden.
Actually, ngayon pa lang ay grabe na kung lait-laitin nila si Janine at kung ano-anong masasakit na salita ang sinasabi nila rito, buti na lang ay unaffected at hindi patola ang magandang dalaga.
Si Rayver ang tapapagtanggol niya sa trolls at haters dahil minsan ay hindi napipigilang sumagot ng binata sa mga namba-bash kay Janine.