Abante Tonite Interactive

Paboritong heneral ni Gloria, hahatulan ngayon

0 2,195

Inaabangan ngayon ng marami ang magi­ging hatol ng korte sa Bulacan, sa kasong kidnapping and serious illegal detention laban sa paboritong heneral ni da­ting pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na si Jovito Palparan, Jr.

Ilalabas ngayon ni Judge Alexander Tamayo ng Malolos Regional Trial Court (RTC) Branch 15 ang hatol laban kay Palparan at iba pang kapwa akusado na sina Lt. Col. Felipe Ano­tado at Staff Sergeant Edgardo Osorio.

Kinasuhan sila sa pagkawala ng dalawang estudyante ng University of the Philippines (UP) na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño.

Ang dalawang estudyante ay nasa Hagonoy, Bulacan nang dukutin ng mga pinaghihinalaang military agents noong Hulyo 26, 2006.

Subalit noong 2012 lamang nakasuhan si Palparan at mga kapwa akusado. Nagtago ang retiradong heneral hanggang sa mahuli ito noong Agosto 12, 2014.

Si Palparan ang itinuturing na poster boy ng madugong counterinsurgency campaign ng administrasyong Arroyo.