Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pabrika ng alcohol naabo

0 322

UMABOT sa mahigit P2 milyon ang napinsala nang sumiklab ang sunog sa isang pabrika ng alcohol sa Dasmarinas City, Cavite.

Sa ulat ni PMSgt Elmo Caboboy, ng Dasmarinas City Police Station, ika-2:30 kamakalawa ng hapon nang maganap ang sunog sa pabrika ng alcohol sa Block 9 Lot 35, Brgy Victoria Reyes, Dasmarinas City.

Sa imbesigasyon, ang nag-spark na electrical ang pinagmulan ng sunog dahilan ng pagsabog dahil sa mga kemikal na nakapaligid dito at tuluyang lamunin ang pabrika.

Wala namang naiulat na nasugatan. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.