Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pabrika ng bomba nakubkob

0 324

NATUNTON ng mga otoridad ang sinasabing kuta kung saan ginagawa ng mga rebelde ang mga improvised explosive device sa Barangay Patag sa Ormoc City nitong Lunes.

Sa report ng militar, nakita ang kuta na may mga tunnel na pagawaan ng mga bomba sa isinagawang operasyon ng 802nd Brigade, 14th Infantry Battalion at 93rd IB ng Philippine Army.

Nakubkob nila ito sa tulong ng mga sumukong rebelde na si alyas Saag na kumikilos sa Leyte sa ilalim ng Eastern Visayas Regional Party Committee.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Iba’t ibang uri naman ng panggawa ng pampasabog ang natuklasan ng mga sundalo.

Ikinatuwa naman ni Brig. Gen. Zosimo Oliveros, commander ng 802nd Brigade ang pagkakasilat sa nasabing pabrika ng bomba ng mga rebelde. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.