Abante Tonite Interactive

Pabrika ng foam nagliyab, 2 nadale

230

Dalawa katao ang nasugatan sa sunog na naganap sa isang pabrika sa Dasmariñas City, Cavite.

Ayon kay SFO2 Warlock Bautista, ng Dasmariñas City Bureau of Fire Protection, nagsi­mula ang sunog sa loob ng Beta Foam Company sa Technopark Brgy. Paliparan 1, Dasmariñas City Cavite.

Sinasabing nagsimula ang sunog sa production area kung saan may mga makina na gumagawa ng insulation habang sa taas nito ay bodega.

Nakalabas naman ang mga empleyado suba­lit sinasabing tumalon umano ang dalawa mula sa ikalawang palapag kaya sila nasugatan at isinugod sa Asia Medic­ Hospital.

Nabatid na ang nasabing kompanya ay gumagawa ng insulation foam.
Alas-3:30 kahapon ng umaga nang ideklara itong fire under control na umabot sa ikaapat na alarma.

Habang sinusulat ang balitang ito ay patuloy pang inaalam kung ano ang dahilan ng sunog at kung magkano ang halaga ng napinsala. (Gene Adsuara)