Abante Tonite Interactive

Pabrika ng pabango sa San Juan, natupok

212

By Dolly Cabreza/Vick Aquino

Tinatayang aabot ng P350,000 halaga ng mga ari-arian ang natupok sa sunog na naganap sa isang maliit na pagawaan ng pabango sa A. Laki corner R. Lagmay St., Brgy. Balong Bato, San Juan City dakong alas-11:10 Biyernes Santo nang gabi.

Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection ng San Juan City, mabilis na kumalat ang apoy sa unang palapag ng pagawaan at umabot sa ikalawang palapag ng gusali nito dahil highly flammable ang mga sangkap na ginagamit sa paggawa ng pabango.

Abante Hiring – IT dep

Umabot ng 2nd alarm ang sunog na naapula rin bandang alas-12:00 nang hatinggabi. Wala namang iniulat na nasugatan sa sunog.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog.