Abante Tonite
Mabilis sa Balita

PacBoy wagi, Jinkee ngawa

0 53

Nanood si Jinkee Pacquiao at dalawa pang anak na babae sa panlimang amateur boxing fight ni Emmanuel ‘Jimuel’ Pacquiao, Jr. sa Quiet Cannon Conference and Event Center sa Montebello, California nitong Huwebes.

Dehins naman siya pinahiya ng 21-anyos na anak ding si PacBoy na bumanat ng decision win kontra American Dylan Merrikan para tanggapin ang pro organization World Boxing Council belt at iangat ang record niya sa 4-1 panalo sa pagbabalik tapos ang olats noong Hunyo.

Ibinahagi ng ina niyang si Jinkee sa Instagram ang emosyon habang at namula ang mga mata sa kaiiyak nang malamang panalo ang junakis.

“Nakangiti pero pinipigilan lang umiyak. First time kong mapanood ang anak ko lumaban. Thank you Lord sa panalo na binigay mo,” ani Gng. Pacquiao “Jimuel, I’m so proud of you! I will always be here for you. I love you, son!” (Mak Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.