Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Package na damit, P852K marijuana pala

0 56

Sinamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa P852,000 halaga ng high-grade marijuana sa Central Mail Exchange Center.

Ayon sa ahensya nabuking ang iligal na droga sa parcel na dineklara na naglalaman ng 5 piraso ng damit. Pero nang siyasatin ng Customs Anti-Illegal Drug Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nakumpirma na naglalaman pala ito ng 533 gramo ng kush.

Galing umano ito sa California, Unites States at tatanggapin dapat ng isang ‘Aura Talob’ mula sa Davao City.

Dinala sa kostudiya ng PDEA ang kush marijuana kahapon para sa imbestigasyon at paghuli sa mga indibidwal na sangkot sa importasyon nito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.