Abante Tonite Interactive

Package scammer na foreigner, nadakma sa NAIA

By
1,421

Inaresto ng mga tauhan ng Airport Police Department ang isang banyaga na umano’y sangkot sa modus operandi na ‘package padala scam.’

Si Shirley Campones, 21, ay humingi ng tulong kay MIAA general Manager Ed Monreal at inireklamo si Fred Mc Neil na aniya’y humihingi sa kanya ng US$ 11,000 kapalit ang isang package ng mga alahas na sinasabing nakumpiska ng Customs authorities sa Turkey.

Nakilala ng biktima si Mc Neil sa internet at nakatakda sana itong dumating sa bansa su­balit hinarang ng Customs authorities dahil sa pagdala nito ng mamahaling alahas na natagpuan sa package nito.

Nitong nakalipas na araw ay may isang texter ang nagpanggap na nasa kanya na ang package ni Mc Neil subalit hinihintay na lamang na magpadala si Campones ng nabanggit na halaga kapalit ang naturang package.

Dahil nagduda ang biktima ay humingi siya ng tulong sa mga awtoridad dahilan upang isagawa ang entrapment operation. Habang nasa restaurant ay lumapit kay Campones ang isang banyaga at nagsabing siya ang nag-text dito.

Binigay agad ng biktima ang perang mark money at dito na inaresto ang suspek na nakilalang si Mriam Kanoute, 34, taga-Island of Siberia at pansamantalang nakatira sa Makati City. (Otto Osorio)