Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacman hindi pasaway sa tipar

0 223

Nagpaliwanag na si Boxing Champ Sen. Manny Pacquiao hinggil sa viral birthday party photo dniya na ginanap last week sa Gen. Santos City na kanyang hometown.

Sa nasabing kumalat na mga larawan ay makikita ang mga guests na walang face masks at hindi nago-observe ng social distancing. Dahil dito ay katakot-takot na kritisismo ang natanggap niya mula sa netizens.

Sa panayam sa kanya ni Karen Davila for ANC’s Headstart, ayon kay Sen. Pacquiao ay wala pang 50 katao ang dumalo sa kanyang party at lahat daw ‘yun ay sumailalim sa PCR (polymerase chain reaction) test.

“Hindi po kami nagpabaya. Alam po namin na magkakaroon ng issue na ganyan at mayroon na po silang mga swag bago namin pinapapasok sa ano,” paliwanag ni Pacman.

Talagang ni-require raw nila ang swab testing dahil nandoon din daw ang mga maliliit niyang anak.

Nasa 300 daw ang capacity ng venue kaya sa tingin daw niya ay okay na ang 50 katao dahil sa laki ng venue.

When asked kung wala siyang nilabag na protocol anang Senador/Pambansang Kamao, “wala naman po, maingat po tayong nag-celebrate ng birthday party natin although simple lang pero ang focus po natin is ‘yung pamimigay na lang ng relief goods saka pera doon sa ating mga kababayan.” ( Vinia Vivar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.