Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacman-Khan fight bulilyaso

0 62

NABULILYASO ang mga nakatakdang plano para sana sa nais na “farewell fight” kay eight division world champion Manny Pacquaio.

Nakalinya na sana ang huling laban para kay Pacquiao kontra sa dati nitong sparmate na si Amir Khan hanggang sa naglahong parang bula ang lahat sa pagpahayag ng Pilipinong boxing legend ng kanyang pagreretiro sa pagsabak nito sa nais na presidential bid sa susunod na tao na national election.

Inihayag ni MP Promotions president Sean Gibbons at British promoter Eddie Hearn ng Matchroom Sport na kasado na ang salpukan sa pagitan ng dalawang dating world champion sa Disyembre o Enero na ilang buwan na lamang bago ang simula ng kampanya.

Gayunman, nabura ito dahil sa biglaang pagreretiro ni Pacquaio.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“It was done, but his (political people) said no,” sabi ni Gibbons Biyernes ng gabi. “In Dubai,” sabi pa nito kung saan magaganap ang laban.

Ang pahayag ni Gibbons’ ay kapareha sa ulat ng British-based Daily Mail Online na binanggit si Hearn sa nakatakda na Pacquiao-Khan fight.

“I was in talks with Amir to make the Manny Pacquiao fight about four weeks ago with Sean Gibbons before he (Pacquiao) made the decision to retire,” sabi ni Hearn sa interview ng Liechtenstein television channel 1FLTV.

Bago magretiro ay nabigo ang 42-anyos na si Pacquiao (62-8-2, 39 KOs) sa kanyang nais na maiuwi ang world welterweight title kontra Yordenis Ugas nitong Agosto 21.(Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.