Abante Tonite Interactive

Pacman kinuyog sa pagtawag ng Bayang Magiliw

By
8,985

Naba-bash ngayon si Sen. Manny Pacquiao ng mga netizen dahil sa isang interview niya kung saan ay sinabi niya ang Bayang Magiliw instead of Lupang Hinirang na national anthem natin.

Okay na sana sa simula kung saan ay sinabi niyang gusto niyang gumawa ng batas na magsusulong sa patriotism pero biglang pumalpak sa huli nang sinabi niyang naiiyak daw siya kapag kinakanta ang ‘Bayang Magiliw’.

“May naisip nga ako, eh. Gusto kong magpanukala, mag-file dito sa Se­nate ng bill na ibalik ‘yung patriotism natin sa school. Kasi, nawala na, eh.

“Karamihan sa atin, Pilipino magtraydor sa kanyang kapwa at magtraydor sa kanyang bansa. So, we should teach that, ‘yung patriotism na mayroon tayong loyalty sa ating bansa.

“Kaya nga minsan, pag kumakanta ako ng ‘Ba­yang Magiliw’, naiiyak ako because mahal natin ang bansa natin dahil dito tayo, anuman ang mangyari, wala tayong ibang pupuntahan kungdi dito rin,” ito ang pahayag ni Sen. Manny sa short video clip ng interview niya na napanood namin na ipinost ng isang netizen sa Twitter.

Katakot-takot na batikos ang inabot ng senador dahil dito.

Komento ng isang netizen, “patriotism tapos ‘Lupang Hinirang’ hindi alam ang title?”

Sarkastikong saad naman ng isa, “kayo naman, masyadong mapagpuna. Parang Mayong Bulkan lang yan ni Mocha. In other words, “slip of the brain.”

Sabi naman ng isa, “Naiiyak ako kasi bayang magiliw ang alam mong national anthem.”

‘Yung iba naman ay dinamay na ang mga anak niya na nag-aaral daw sa international school kaya paano raw masasabing patriotic siya.

We learned na ang nasabing interview sa senador ay naganap last Wednesday matapos siyang i-promote ng Commission on Appointments from Lieutenant Colonel to Colonel as a reservist of the Philippine Army.

Sharon bagong ‘Hugot Queen,’ tinalbugan na si Angelica

SA bagong post ni Sharon Cuneta kahapon, inulit na naman niya ang pagiging ‘tanga’ raw niya sa love man o sa business.

Nag-post siya ng picture ng Apple logo at sa caption, she wrote, “My friends and sisters said my name should’ve been “Apple” since I was younger. As in Macintosh. Parang MacBookPro o iPhone. User-friendly. Hahahaha! Paulit-ulit na lang. Di na natuto. Mapa-business mapa-Love. Sobra mag trust nagiging tange! Haaaayyy…”

May nag-comment tuloy na Hugot Queen na raw si Sharon ngayon na alam naman nating hawak ni Angelica Panganiban ang korona.

Wala namang tinukoy na pangyayari o taong pinatutungkulan si Shawie pero as we all know, base na rin sa post niya kamakailan, tila hindi nagustuhan ni Gabby Concepcion ang interview niya sa Rated K ni Korina Sanchez aired last Sunday.

Bukod dito, sunod-sunod din ang post ng cryptic message ng Megastar.

Isa sa mga post niya, “some people are truly great manipulators. They can lie, cheat, treat you badly and somehow, ma­nage to make it all seems like your fault. Don’t fall for it, that is just what they do.”

Isa pang cryptic message niya ay, “Some say I’m too sensitive but truth is I just feel too much. Every word, every action and every energy goes straight to my heart.”

At isa pa, “know your worth, then add tax.”