Abante Tonite Interactive

Pacman mode! Villar sinagpang ang Plaridel Rural Bank

213

Pinalalago ng pamilya ni Senator Cynthia Villar ang kanilang bangkong AllBank Inc. na isang thrift bank.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, aprubado na ng Securities and Exchange Commission ang pagbili ng Allbank sa Rural Bank of Plaridel Inc. at iaabsorb na ito ng bangko ng mga Villar.

Sabi ni BSP sector-in-charge Arifa A. Ala, noon pang December 28, 2018 epektibo ang paglamon ng Allbank sa Rural Bank of Plaridel.

Ayon sa datos ng BSP, may 15 sa­ngay ang Allbank at ang head office nito ay nasa WackWack, Mandaluyong.

Karamihan sa mga branch ay nasa mga development ng mga Villar tulad ng Star Mall, Vista Mall, at All Home.

Sa Circular letter No. 2019-013 na pinirmahan noong February 12, tinimbre ni Ala ang merger ng AllBank at Rural Bank of Plaridel sa lahat ng mga financial institution na saklaw ng BSP.