Abante Tonite
Mabilis sa Balita

‘Pacman’ nabundol, dedo!

0 1,772

Hindi na makakasama ni eight-time world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio sa training ang kanyang aso na si ‘Pacman’ matapos mabundol sa isang freak accident sa Gen. Santos City.

Si Pacman ang nagsilbing sidekick at running mate ni Sen. Pacquiao sa maraming pagkakataon o matagal na panahon sa paghahanda sa mga laban. Namatay siya nang aksidenteng masagasaan ng minamanehong kotse ng close aide ng boxing champion na si David Sisson.

Ikinalungkot naman ni Sisson ang pangyayari sa may lahing Jack Russell Terrier na si Pacman na nahagip niya nang minamanehong Mazda Sedan kamakalawa nang pumailalim ito sa behikulo habang naglilinis ng garahe ang mga security personnel ng boxer-turned-politician..

“I didn’t even see him and the boss’s bodyguards said he came out of nowhere and it was too late,” sabi ni Sisson sa Facebook page ni Nick Giongco. Tinakbo pa ang aso sa veterinary clinic pero lubhang malala ang sinapit ng 14-anyos na aso. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.