Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacman nakipagbati kay Digong

0 139

Naayos na ng gusot sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Manny Pacquiao matapos ang maiksing pulong sa Malacañang.

Ayon kay Senador Bong Go, nagkaroon ng maiksing pulong sina Pangulong Duterte at Pacquiao sa Malacañang batay sa kahilingan ng kampo ng senador.

Nagkumustahan lamang aniya ang dalawa at nagkaroon ng maikling pag-uusap at muling pagpapanumbalik ng pagkakaibigan.

Sinabi ni Go na walang napag-usapang politika sa paghaharap ng Pangulo at ni Pacquiao.

Nabatid na ang kampo ni Pacquiao ang humiling na makaharap nito si Pangulong Duterte.

“It was a very quick meeting requested by the camp of Senator Pacquiao. Kumustahan lang, maikling usapan at renewal of friendship. Walang politika,” ani Go.

Sinabi ni Go na sa kabila ng mga banat ni Pacquiao sa administrasyong Duterte ay magkaibigan pa rin sila at katunayan aniya magkumpare pa silang dalawa.

Matatandaang inakusahan ni Pacquiao ng korapsiyon ang ilang ahensiya sa ilalim ng administrasyon bagay na hindi nagustuhan ni Pangulong Duterte

at nalamatan ang kanilang pagkakaibigan. (Aileen Taliping/Prince Golez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.