Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacman olats din sa chess

0 84

Tumagal lamang ng 41 moves si former eight-division world men’s pro boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao kontra sa 10-year old version ni world champion Magnus Carlsen ng Norway sa Celebrity Chess Challenge nitong Biyernes.

Naganap ang sulungan via livestream sa Twitch ng Play Magnus, isang event na pampagana bago magsimula ang 2021 Champions Chess Tour Finals.

Dahil sa paglahok ng Pambaansang Kamao, nakatanggap siya ng $5K (P250K) na ilalagak niya sa kanyang Pacquiao Foundation upang maibahagi sa mga nangangailangang kababayan. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.