Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacman P250K bonus kay John Riel

0 209

Binigyan ni eight-division world men’s pro boxing titlist Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao si John Riel Casimero ng $5,000 (P250K).

Kaugnay sa matagumpay na second title defense ng Ormoc-pride boxer sa World Boxing Organization via split decision kay two-time Olympic champ Guillermo Rigondeaux ng Cuba sa Estados Unidos sa Sabado (Linggo sa ‘Pinas).

Isa si Casimero na nasa Manny Pacquiao Promotions ng Pambansang Kamao.

At dahil bata ni Pacman si Casimero, todo cheer rin ito sa naging laban nang maispatang pinapanood ang bakbakan sa kanyang mansyon sa Los Angeles.

Hiwalay pa ang insentibo sa talent fee ng Pinoy boxer sa pakikipag-umbagan sa Cuban. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.