Abante Tonite Interactive

Pacman pinaaasa lang ni Digong

By
515

Hindi naniniwala­ si Senador Antonio Trillanes IV sa pahayag­ ni Pangulong Rodrigo­ Duterte na nais niyang­ gawing susunod na presidente ng bansa si Senador Manny Pacquiao.

Ayon kay Trillanes, pinapaasa lamang ng Punong Ehekutibo si Pacman subalit bandang huli ay ang anak nitong si Davao City Ma­yor Sara Duterte rin ang ieendorse nitong ma­ging pinuno ng bansa.

Wala rin anya itong ipinagkaiba sa mga nauna nang pinanga­kuan ni Duterte.

“Paasa ‘yan kasi ganyan din ang sabi niya kina Alan Caye­tano, Bongbong Marcos, at Gordon.

Gaya sa Davao, si Sara Duterte lang din ang ipapalit n’yan,” saad ni Trillanes sa text sa TONITE.

Hindi naman sineryoso ni Senate Majority Leader Vicente ‘Tito’ Sotto III ang pahayag ng Pangulo dahil mas­yado pang malayo ang 2022 presidential elections at marami pang posibleng mangyari mula ngayon.

Noong Linggo ay sinabi ng Pangulo na gusto niyang maging successor si Pacquiao.