Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacman suicide ‘pag lumaban pa

0 50

TINGIN ni former WBC super featherweight champion Rene Barrientos, magiging suicide kung lalaban pang muli si eight-division champion Manny Pacquiao.

“It’s still Pacquiao who will decide his fate,” sambit ni Barrientos sa isang ulat kung saan ang mga may gusto aniyang muling lumaban si Pacman ay nagtutulak rin sa boksingero sa kamatayan.

“Those who encourages him are literally killing him.”

SM food to go Banner Ad

Sa tingin kasi ng 80-anyos veteran Pinoy boxer ay hindi na nababagay pa sa Pambansang Kamao na lumaban.

“Manny should retire from boxing,” dagdag nito. “Boxing is a young man’s game. Why won’t he just enjoy the fortune that he has as a result of his years of sacrifice?”

Nitong nakaraang Agosto 21 sa Las Vegas ay nagulat ang mga boxing fan matapos ma-olats si Pacquiao kontra underdog na si Yordenis Ugas para sa WBA super welterweight belt. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.