Abante Tonite Interactive

Pacman-Thurman bout ‘di binarat ng ABS-CBN

0 885

Maraming nagulat kung bakit sa ABS-CBN (at sa ibang platforms nito) exclusive n


a mapapanood ang laban ni Manny Pacquiao sa Amerikanong boksingero na si Keith Thurman sa July 20 (July 21 sa ‘Pinas) sa MGM Grand Arena, Las Vegas, Nevada sa halip na sa GMA.

Sa Kapuso network kung saan may exclusive contract si Pacquiao ipinalabas ang halos lahat ng kanyang laban, pero this time ay ang Kapamilya network ang official broadcaster nito.

Sa pagtatanong-tanong namin ay aming napag-alaman na diumano ay namamahalan ang GMA sa rate ng Pacman-Thurman match kaya napunta ito sa iba.

Dagdag pa sa mahal ang rights para sa exclusive coverage ng laban, hindi na umano ito nababawi sa TV commercials bilang hindi na raw ganu’n karami ang nanonood sa laban ni Pacquiao unlike before na halos buong bayan ang tumututok dito.

Isa pa ay marami na raw kasing ibang platforms ngayon kung saan puwedeng ma-access ang nasabing boxing match maliban pa sa pay per view.

Ayon naman sa isang source, disappointed na umano si Pacquiao sa GMA at hindi raw ito satisfied sa ginawa ng Kapuso network sa mga nakaraang laban niya.

Mas may mileage at mas agresibo rin daw ang marketing ng ABS-CBN kumpara sa GMA, kaya ang Dos umano ang pinili ni Pacman at hindi ang Siyete.

Ayaw kumpirmahin ng isa naming napagtanungan kung totoong nagalit o nairita ang GMA na sa ABS inilagay ni Manny ang kanyang laban kay Thurman.

Hinggil naman sa balitang tsutsugihin na sa ere ang Sunday show ni Pacman sa GMA na “Stories For The Soul,” ang sabi sa amin ay patapos na rin talaga ang programa.

After this ay abangan na lang daw natin kung tuluyan na ngang magpapaalam sa Kapuso network ang People’s Champ.
PAK!!

Misis ni Michael V nagduda sa bigay na kahon

Bibilib ka talaga kay Michael V dahil sa kabisihan niya sa promo ng directorial debut niyang “Family History” ay nagawa niya pang maging event organizer sa surprise 50th birthday party ng misis niyang si Carol ‘Ayoi’ Bunagan.

Hanep sa pagka-multi tasker si Bitoy, na may inaasikasong movie promo pero lihim na naplano ang sikretong party para sa kanyang wife of 25 years.

Ang kiyeme niya kay Ayoi nu’ng Friday night ay may formal dinner sila sa isang hotel na may kasamang pictorial, so kaila-ngang mag-outfit.

Medyo nagduda na si Ayoi nang bigyan siya nito ng isang malaking box na may lamang red gown na may mahabang train. Dinner lang, ganu’n ang outfit? Ha! Ha!

Ayun na, pagdating nila sa Venue 142 sa Katipunan ay nagulat si Ayoi nang makita ang lahat ng mga kaibigan at kapamilya niya sa kanyang malaking piging na red and gold ang motif bilang golden girl na siya.

Super-touched at super-happy ang birthday girl sa sobrang kaswitan at pagka-thoughtful ng kanyang mister, na na-gather ang lahat ng taong malalapit sa kanya in one room.

Present ang college friends ni Ayoi, ang mga dati niyang katrabaho nu’ng FA pa siya sa PAL, ang mga taga-“Bubble Gang” at “Pepito Manaloto” and other showbiz friends, at ang family nila led by their 4 children Milo, Yani, Migo and Maypaul.

Ang cute nu’ng song number ng mag-ama na kinanta ni Bitoy ang “Ba’t Gano’n?” na theme song ng “Family History” habang tumutugtog ang bunsong si Maypaul ng ukulele.

Meron pang pa-trivia games about Ayoi na kasali bawat table at pati ‘yon ay hinost ng walang kapagurang si Bitoy.

Ilan sa mga nakita namin sa Ayoi@50 ay ang mag-asawang Ogie Alcasid & Regine Velasquez na kapitbahay nina Bitoy, Pia Guanio & hubby Steeve Mago, Jessa Zaragoza & Dingdong Avanzado, Rochelle Pangilinan & Arthur Solinap, Manilyn Reynes, Boy 2 Quizon, Chariz Solomon, atbp.

Ang Mic Test Entertainment ni Bitoy at ng misis niyang si Ayoi ang co-producer ng GMA Pictures sa “Family History.”

Ang b-day wish namin kay Ayoi ay maging blockbuster hit ang Bitoy-Dawn Zulueta movie dahil alam naming ‘yun ang dasal ng mag-asawang malakas maka-couple goals.