Abante Tonite Interactive

Pacquiao 100% ready na kay Thurman

0 367

Nasa 100 porsiyento na ang kondisyon ni eight-division at WBA ‘regular’ welterweight champion Manny Pacquiao para sa July 21 (Hulyo 20 sa Amerika) bout nila ni ‘super’ 147-pound kingpin Keith Thurman sa MGM Grand sa Las Vegas.

“I’m so motivated for this fight for all of the trash talk he’s saying and I want to prove him wrong,” kwento ni Pacquiao, hawak ang 61-7-2 record. “The most dangerous thing is when you’re not ready and in condition.”

Sabi ng Pinoy ring idol, kahit 40-anyos na siya ay nananatili siyang malakas at mabilis sa tulong ng Panginoong Diyos.

“At this stage, where you are strong, it is difficult to recover the next day, but right now, the speed is there, the power, the speed… by the grace of God,” sabi ni Pacquiao sa panayam ng ESPN.

At this age, at 40, there is a level of adjustment in terms of body recovery, unlike when you were young you pushed your body in training day by day, you recovered at night.”

Ibinunyag ni Pacquiao ang sikreto niya sa pagkakaroon ng magandang kondisyon, aniya, karne, manok at protina ang nagpapalakas sa kanya.

Naipon ang inis ng Pambansang Kamao sa mga patutsada ng 30-anyos na Kanong boksingero, kabilang ang pangangalandakang patutulugin ang Pinoy ring icon sa third round na pinustahan pa niya ng $10,000. (FPDS)