Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao, 2022 ka-tandem idedeklara sa Oct 1

0 77

Sa Oktubre 1 ihahayag ni Senador Manny Pacquiao ang kanyang plano para sa susunod na halalan.

Ginawa ni Pacquiao ang pahayag matapos maghain ng P100 milyong cyberlibel case laban kay Pastor Apollo Quiboloy.

“Mag-a-announce ako soon before October 1,” sabi ni Pacquiao, kasabay ng pagsabing uunahin muna ang kanyang trabaho.

Sakaling tumakbo sa pagka-pangulo, sinabi ni Pacquiao na ihahayag din nito ang kanyang running-mate sa araw na iyon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sabi niya, gusto niyang makatambal ay iyong lumalaban sa katiwalian.

“Pareho ng puso ko, gusto ko ayaw din ng corruption, gusto ko suportahan ang programa natin, especially ‘yung ginagawa kong 22 rounds priority agenda for the country,” ani Pacquiao.

“Maraming iba d’yan pansariling interest lamang ang ginagawa e alam na alam natin ‘yan at ‘di natin papayagan ang mga baluktot na katwiran at hangarin na mga ganyan,” saad pa nito. (Dindo Matining)

Leave A Reply

Your email address will not be published.