Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao, Alvarez namumuro sa alyansa

0 176

Nakipagkita si Senador Manny Pacquiao kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez noong Miyerkoles na maaaring magpahiwatig ng alyansa sa kanilang mga partido.

Si Alvarez ang presidente ng Partido Reporma habang si Pacquiao ay parte ng kanyang paksyon sa PDP-Laban.

“Discussing 2022 and possible alliances with old friends from PDP-Laban,” sabi ni Alvarez sa larawan ng pag-uusap nila ni Pacquiao.

SM food to go Banner Ad

“We are all praying to have leaders that Filipinos need to help solve our problems amid the pandemic,” dugtong pa niya.

Ang Partido Reporma ay nauna nang nagpahayag na ng pagsuporta sa Ping Lacson-Tito Sotto tandem sa 2022.

Naiipit naman ang paksyon ni Pacquiao sa PDP-Laban lalo’t ang kabilang grupo ay may basbas ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpahayag na tatakbong bise presidente sa 2022. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.