Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao atubili kay Golovkin

0 260

Masyadong mabigat.

Iyan ang isa sa rason kaya ayaw patulan ni reigning World Boxing Association (WBA) super featherwerwight champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquaio si Gennady Golovkin ng Kazakstan sa pagbabalik niya sa ring.

Para sa fighting senator, may kataasan ang timbang na 159.2 lbs ni Golovkin sa nakaraang bout kay Ukrainian Sergiy Derevyanchenko kung ikukumpara sa bigat niyang 146.5 sa huling pakikipag-upakan kay American Keith Thurman.

Ayon pa kamakalawa sa Pambansang Kamao, ‘di niya aatrasan si Golovkin kung sa welterweight limit 147-pound sila magtutuos.

Nirekomendasa former eight-division world champ ng dati niyang mentor na si Freddie Roach patulan niya si Gennady para sa middleweight world title bout. (Aivan Denzel Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.