Abante Tonite Interactive

Pacquiao ayaw ipasara ang ABS-CBN

812

Kahapon ay ginanap ang ­Senate hearing para sa ­renewal ng franchise ng ABS-CBN 2. ­Ginanap ito sa session hall ng ­senate building.

Dumalo rito ang Presidente ng Kapamilya network na si Mr. Carlo Katigbak, ang mga executives nito na sina Deo Endrinal, Cory Vidanes, Kane Choa, Aaron Domingo, ­Charo Santos-Concio, Direk Laurenti ­Dyogi at Mark Lopez.

Isa sa mga senador na dumalo sa senate hearing ay si Sen. Manny Pacquiao.
Nang hingan siya ng opening statement ni Sen. Grace Poe, ang tumatayong chairperson ng ­Senate Committee on Public Services, ang sabi niya, “Sa ABS-CBN, marami tayong natututunan, naa-update tayo palagi sa mga kaganapan sa buong bansa natin. Nalaman natin kung may lindol, kung may mga namamatay.

In that way, siguro, dapat tayo, ay nagpapasalamat sa ABS-CBN. Hindi natin basta-basta malilimutan na nagkakaroon tayo ng knowledge, nai-educate tayo, nai-inform tayo. Malaking ­bagay para sa atin ‘yun. Malaking utang na loob natin ‘yun sa ABS-CBN. Kung anuman ang problema nila, kung may violation sila, then, kasuhan sila. Pero sa akin lang, in my own opinion, hindi naman dapat mapupunta sa closure ng station. Malaking kawalan sa buong sambayanang Pilipino ang mawala ang ABS-CBN. “ (Rommel Placente)