Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Pacquiao bet bisitahin ni Garcia

0 301

Mainit man ang usap-usapang bakbakan nina eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao at four-division titlist Mikey Garcia, nais ng Amerikano na makabisita sa Pambansang Kamao at sa ‘Pinas.

Sa isang video na ipinost ng Philbox Video sa YouTube Linggo, binati ni Garcia ang kanyang mga Pinoy fan at ipinarating na, “I hope to see you guys soon. I wanna come over there, visit and maybe get something big. Maybe do something with Manny.”

Isiniwalat ni Pacquiao kalian lang na mayroon ng ongoing negotiations para sa kanyang susunod na makakalaban sa kanyang pagbabalik sa ring buhat sa dalawang taong pagliban. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.